Saturday, May 30, 2009

ALAY NI FERNAN


PAWIKAN
Ni Fernan G. Emberga

san sayo na gab-i sa piliw san baybay
nagtiripon-tipon an mga kalalakin-an
sa sirong san payag na istambayan
didto sa amo baryo, barangay dancalan

tolong galong tuba an inharampangan
sinugba na surahan an sumsoman
dianison na erergo nan irestoryahan
pautok man ngani san mga buruwaan

maugmahon man ini na pagbaragat
san mga bakasyunista na maorag
kaurupod uli an mga dati kauroyag
mga kapalanat sa piliw sin dagat

kay matade ka man baya sin bawal
an hapot sa ako ni tawi butakal
kay nano man ngani yon na bawal
an simbag nan an hapot ko man

maghulat ka lang ayaw pagbaya-e
kay kukuwaon ko pa didto sa tangpi
basta maruyag ka kay masiramon ini
an sabi ni tawi bag-o siya humali

kay nano daw ngani na bawal ‘yon
basi pa man-gad daragang magayon
mahigos na bikolana na mahamoton
diri man hahaboan ni padeng oragon

pero san pagbotwa ni tawi butakal
malin man palanggana an puropas-an
maimod ko man tulos an dowa na kampay
san naghihibi na saday na pawikan

ma-o ngay-a ini an bawal na insasabi
an pawikan na ‘endangered species’
kaya an parapana didto na ha’k sa tangpi
inhihigot an ba-o nan kukuwaon sa gab-i

sa dagat pasipiko sa bungto nin bulusan
daghan pa man an nadakop na mga pawikan
maski na inbabawal diri nahimot-an
maluyahon man pan-o an mga parabantay




PANGOROWOT
Ni Fernan G. Emberga

didto sa amo makunswelo an mga tawo
paglunad sa dyip paaragaw sa estribo
imbes na mag-iringkod sa sulod san awto
naghaharabo- habo kay sa bubong an gusto

kun nalarga na an karadagkadag na sasakyan
naruyagon sa atip kay mahuruhayahay
sa sulod san dyip an kargada inpapatianay
kay an pasahero didto nagud sa bubungan

pero san nagbatog na san pagpaharorot
ini na drayber na makusog an boot
an mga pasahero inabot sin nerbiyos
grabe an pangorowot pagkurbada sa porog

didto sa bulusan, probinsiya nin sorsogon
daghan an iristorya san mga buwaon
mao na an sumsoman kun namagtiripon
san mga makunswelo na mga oragon

an mga parapana kon nakadakop sin isda
imbes na mao na an kanira isuruda
ipabakal pa ngani kay gusto an de lata
o mapatukal tinapa kay ibangot sa miswa

may sayo na pamilya dito ngani sa iraya
naraw-ayon man kuno san kanira bisita
nag-ayo man tulos sin dako na pasensiya
kay imbes sardinas manok ha’k an tagama

ini si inoy iklo nagpurbar man pagbulang
sadto na dominggo natupar na kapistahan
imbes na manok an dara-dara sa bulangan
apisar kay pato ugang an gusto iglaban

mapagal talaga ispelingon an isip san tawo
imbes na mapawala makadto ugang sa to-o
maski an kiriwa-kiwa diri nagud mabibisto
kay iba an insasabi san kanira inhihimo




HIWAGA NG LAPTUKAY
Ni Fernan G. Emberga

isang umaga ginulat mo ako
nang bigla kang sumulpot
sa tabing bakod
sa sukal ng mga damo
at mga halamang ligaw
anong hiwaga kaya
ang dala mo sa’yong paglitaw
o anong hiwaga naman kaya
ang ihahatid mo
paano ka tumubo
umusbong at lumago
gayung hindi ka itinanim
ni walang nag-alaga
at dumilig sa’yo
maliban sa patak ng ulan
at hamog ng gabi
ngunit lalo mo kong binigla
nang umusbong sa’yong sanga
ang mga busal at bunga
na tila iyong ipinagyayabang
hanggang sa mahinog
at maging katakamtakam
yan ba ang silbi mo
o mahiwagang laptukay?


KALYENG LIBINGAN
Ni Fernan G.Emberga

ano ba ang nangyari
sa ating kalye
mula nang mawala si marcos
at umupo si cory
tila napabayaan na
ang ating lansangan
mula irosin hanggang ariman

mabuti pa noon
nung kami’y bata pa
nagagawa pa naming magbisikleta
mula sa bulusan
at sa gubat papunta
‘pagkat ang daan ay maayos pa

hindi tulad ngayon
masahol pa sa mukha ng buwan
ang ating kalyeng baku-bako
at patlang-patlang
kaya’t ang bisikleta
ay pinapasan na lang
sa halip na sakyan

ang bayang bulusan
itinuring na paraiso
sa likas na ganda’y
dinadagsa ng dayo
ngunit ang daraanan
ay mistulang kalbaryo

anupa’t ‘di na ipinagtaka
lalong hindi rin ikinabigla
nang may isang nagpanukala
na gawing libingan ng patay
ang ating lansangan
upang kahit papano ay mapahiran
ng konting semento ang ating daan.



PAALAM KAIBIGAN
Ni Fernan G. Emberga

hinuhugot mo ang huling hibla ng buhay
pinilit mong manatiling nakatindig
nilalabanan mo ang pakay ng mga buhong
ang kanilang nasang maibuwal ka
kahit alam mong unti-unti ka nang nagugupo
saglit na lang magtatagumpay na ang mga palalo
ibinabadya ito ng kanilang halakhak
ipagbubunyi nila ang iyong wakas
ngunit gamit mo ang nalalabi mo pang lakas
upang patayin sa inip ang mga sukab

habang ako
ako na nakatunghay lamang sa di-kalayuan
ni hindi ko magawang saklolohan ka
wala akong silbing kaibigan sa mga oras na ‘yon
wala akong mahagilap na lakas
para pigilan ang ‘yong mga kaaway
pati dila ko’y naumid na yata
walamg nabigkas ni isang kataga
liban sa luhang dumaloy sa aking mata
habang sinasaksihan ang tagpong karumaldumal

sa ‘yong mga huling sandali
gumuhit sa isipan ko ang ‘yong kahalagahan
ang proteksyong ibinibigay mo sa amin
ilang unos na ba ang nagdaan
ikaw ang aming kalasag sa mga kalamidad
saksi ka rin sa aking pagsilang
naging kalaro kita sa aking kamusmusan
talagang tunay kang bayani at kaibigan
pero ngayong kailangan mo ang tulong
bakit wala akong magawa kundi umiyak
at saksihan ang unti-unti mong pagbagsak

ngunit batid ko
na malawak ang ‘yong pang-unawa
naiintindihan mo ang aking kahinaan
may magagawa nga ba ang isang paslit
sa lakas at masamang nais ng mga ganid
na ibuwal ang punong nagsisilbing balakid
sa kanilang hangaring ang kanal ay mailihis
mapaiksi rin ang itinakdang daluyan ng tubig
upang maibulsa ang pondong matitipid
kaya’t paalam kaibigan
paalam punong balete sa aming bakuran.

* Alay ko ang tulang ito sa punong balete sa bakuran ng bahay na dati naming tinirhan sa barangay Dancalan, Bulusan, Sorsogon, sa aking mga kababata at kalaro, sa mga pumutol sa puno at sa kontratista ng dinayang kanal na sa halip na paraanin sa dating daluyan nito na siyang orihinal na plano ng Publik Works ay ipinadaan sa aming bakuran tumbok ang malaking punong balete na aming palaruan, padapuan ng mga alagang manok, kanlungan ng alagang baboy at pananggalang sa bagyo. Dahil sa punong balete hindi nagigiba ng bagyo ang aming bahay. Subalit nung mawala na ang puno, dumapa sa malakas na bagyong si Dinang (December 25, 1981) ang aming bahay. Simula na ‘yon ng paglikas ng aming mag-anak sa Pasay City. May 28, 1983 nang lisanin ko ang Bulusan makaraang magtapos sa ikalawang taon sa high school. Ngayon, kapag umuuwi ako sa Bulusan palagi kong binibisita ang lugar na dating kinaroroonan ng punong balete at ng aming bahay, ang kanal, ang bitak-bitak nang semento nito. Gayundin ang aming baybayin, ang dalampasigang winasak ng pagsasalubong ng tubig sa kanal at malalaking alon kapag nagngingitngit ang panahon. Ang kalunos-lunos na sitwasyong ito ay nagpapagunita sa akin sa isang karumaldumal na tagpo sa aking kabataan – ang pagputol sa aming balete, na manipestasyon ng garapal na korupsyon sa mga proyektong pambayan na nagsisimula sa barangay.




MAGSING-IROG
Ni Fernan G. Emberga


saksi ako
sa inyong marubdob na pagmamahalan
sa aking kamusmusan
nasanay na akong tingalain
ang inyong kinaroroonan
sa dako roon
pinangarap ko rin
ang maging abay sa inyong kasal
pagkagising sa umaga
kung kaylan mababa pa ang araw
nasanay na akong sulyapan ng pansin
ang inyong kariktan
na tila nagpupulot-gatang magsing-irog
sa gawing kanluran
lalong pinaningning ng sikat ng araw
ang inyong mga alindog
habang magkaulayaw
nasanay na rin akong unawain
kung minsan na inyong ikinukubli
ang inyong pagsisiping
sa yugtong palubog na ang araw
hanggang sa balutin kayo ng karimlan
naging palaisipan tuloy noon
sa mura kong isipan
sino kaya sa inyong dalawa
si eba at sino naman kaya si adan
o mahiwagang bundok ng agingay
at bundok ng bulusan.


BULUSAN
Ni Fernan G. Emberga

bulusan, bulusan
bayan kong sinilangan
sa kandungan mo ako’y humimlay
sa oyayi mo ako’y idinuyan
sa kalinga mo ako’y nagkamalay

bulusan, bulusan
pinakamamahal kong bayan
‘di ko malilimot mga pangaral
nakapunla rin sa puso ko’t isipan
iyong tagubilin at panambitan

bulusan, bulusan
ikaw ang aking gabay
sa mahabang paglalakbay
sa kabiguan man o tagumpay
ikaw ang aking karamay

bulusan o aking bulusan
dakila ka’t mapag-arugang bayan
malaon mang sayo’y mawalay
ikaw pa rin ang babalikan
sa pagtanda ikaw ang kanlungan
sa kandili mo’y muling hihimlay

O siya sige hanggang sa muli. God bless Bulusan!

FGE

2 comments:

  1. Magayunon, Fernan, makaluha pagbasahon.

    ReplyDelete
  2. Sayo man tabi ako na bata san Bulusan. Kinaugma ko na daghanon pa man gihapon an padagos na naghahatag sin makulog nan pagkamuot sa bungto ta... PROUD TABI AKO SAIMO.

    ReplyDelete